^

Police Metro

Chief of police, tinodas sa boarding house

Joy Cantos, John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang Chief of Police nang ito ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na pumasok sa tinutuluyang niya boarding house ng isang subdivision sa Kidapawan City, North Cotabato, nitong Lunes ng hapon.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Police Major Razul Guiambangan Pandulo, 35-anyos, hepe ng Bubong Municipal Police Station (MPS) sa Bubong, Lanao del Sur at miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Tagapamagitan Class 2013.

Sa ulat ng North Cotabato Police, alas-4:30 ng hapon nang mangyari ang krimen loob ng boar­ding house ng biktima sa Bolong Subdivision, Kidapawan City.

Lumalabas sa imbestigasyon na kasalukuyang nagpapahinga si Pandulo nang pasukin ng dalawang lalaki ang kanyang boarding house at agad na pinagbabaril.

Nang masigurong napatay ang biktima ay mabilis nagsitakas ang mga suspect.

Nitong Martes ng­ ­umaga ay inilibing na ang biktima sa kanilang lugar sa Brgy. Bulit, Datu Montawal, Maguindanao del Sur alinsunod sa tradisyon ng mga Muslim na maili­bing sa loob ng 24 oras.

Kinondena naman ni Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) Regional Director P/Brig. Gen. Cristopher Abecia ang pamamaslang at agad na ipinag-utos ang manhunt operation laban sa mga suspek.

BOARDING HOUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with