John Lloyd, nag-ily ulit kay Ellen!

“Len” pala ang tawag ni John Lloyd Cruz kay Ellen Adarna at mababasa ito sa comment ng aktor sa post ni Ellen patungkol sa TV commercial nina JLC at anak nilang si Elias.
“Love you Len,” ang post ni JLC sa isa niyang account sa IG. Sinagot ito ni Ellen ng “Ingat kayo Jan. YOLO muna ako dito kaw muna bahala kay Elias lol.”
Nakakatuwa ang comment ng netizens na “Bakit parang may keleeeeggg,” “Eto ang endgame.”
Sa nag-comment na parang napu-fall ulit si Ellen kay JLC kahit tumatanggi pa ito.
May binanggit pa si Ellen na ayaw ni JLC na ipabuhat si Elias sa iba at gusto ng aktor na siya ang lagi magbubuhat sa anak. Makikita namang close si JLC kay Elias kahit noong nagsasama pa sina Ellen at Derek Ramsay. Ang maganda pa, close rin si JLC kay Lily, ang anak nina Ellen at Derek at sa nakaraang birthday ng bata, present si JLC.
Carla, tumalak sa asal basura
May mga tinamaan sa Instagram story post ni Carla Abellana ng trash na iniwan lang sa upuan kahit malapit lang ang trash can.
Ni-repost ni Carla ang post ng isang netizen na kuha sa airport at makikita nga ang supot na balot yata sa pagkain. Comment ng original poster, “This is why most Filipinos don’t deserve nice things.”
Comment ni Carla, “Ang lapit na ng basurahan, pero sa upuan na rin iniwan ang kalat. May pang travel, pero asal basura pa rin.”
Ang daming nag-agree kay Carla dahil totoo naman at nakikita natin sila kahit saan. May garbage can na nga, kung saan-saan pa itinatapon ang basura.
Comment nga ng isa pang netizen, karamihan sa atin mga walang disiplina and yet, kung makapag-demand sa gobyerno. Napapansin din na kapag nasa ibang bansa, sumusunod sa rules, pero kapag nasa Pilipinas, ang titigas ng ulo.
KC at Frankie, ‘di pa rin nag-uusap
Nasa Amerika na si Sharon Cuneta para sa series of shows na gagawin niya sa California at masaya ang Sharonian based sa California dahil muli nilang makikita at maririnig kumanta si Mega.
Ikinatuwa ang interaction nina Sharon at KC Concepcion. Nag-comment si KC ng “Safe flight and go get it mama ko. I love you” na sinagot ni Sharon ng “Pray for my voice & hip. Toot! Love you.”
Sa hiningi namang prayers ni Sharon, sagot ni KC, “I always have and always do... Don’t worry about a thing. You will make it through and it’ll be great.”
Ang hinihintay at wish ng fans, magkaroon din ng interaction sina KC at Frankie Pangilinan online. Nami-miss daw nila sa magkapatid ang nagsasagutan sila online dahil matagal nang hindi nangyayari.
- Latest



















