5-anyos sinagasa ng van, patay
MANILA, Philippines — Patay ang ang isang batang lalaki nang masagasaan ng isang van sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City noong Martes ng umaga.
Sa ulat ng Pasig City Police Station, dead-on-arrival sa Pasig City General Hospital ang 5-taong gulang na biktima dahil sa matinding pinsala.
Nangyari ang insidente dakong alas- 9:30 ng umaga sa Sandoval Avenue malapit sa panulukan ng Eusebio Avenue.
Sa imbestigasyon, nasa kalsada ang bata at bigla umanong tumawid na nagkataong lumiliko umano ang sangkot na van. Dito, nagulungan ang bata at agad dinala sa nasabing pagamutan dahil sa matinding mga sugat na tinamo.
Normal ang takbo ng van bago mangyari ang insidente, batay sa CCTV footage, ayon sa pulisya.
Humingi ng paumanhin ang driver sa pamilya ng biktima at sinabing hindi niya talaga napansin o nakita ang bata.
- Latest
















