^

Police Metro

2 Dawlah Islamiyah terrorist, utas sa encounter

Joy Cantos, John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng Dawlah Islamiyah (JI) terrorist na ang isa dito ay most wanted ang napatay ng mga operatiba ng pulisya nang mauwi sa shootout ang pagsisilbi ng warrant of arrest naganap sa Ampatuan, Maguinda­nao kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Maguinda­nao del Sur Provincial Police Office kinilala ang napatay na wanted na si Amar Sansawi Usman, alyas Akhie Usman at Marhan, miyembro ng Dawlah Islamiyah (DI) na konektado sa Islamic State at kasama na kinilala lamang sa alyas na “Syok”.

Ayon sa opisyal ang grupo ni Usman ay sangkot sa pananambang sa limang pulis na napatay sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur noong Marso 28 ng taong ito.

Nabatid na kasaluku­yang isinisilbi ang warrant of arrest laban kay Usman sa Brgy. Kapinpilan, Ampatuan nang salubungin ang mga ito ng pagpapaulan ng bala ng grupo na nauwi sa palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig.

Ang palitan ng putok ay tumagal ng ilang minuto hanggang sa magkasunod na duguang bumulagta sina Usman at Syok na inabandona ng mga nagsitakas ng mga itong kasamahan.

DAWLAH ISLAMIYAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with