^

PM Sports

Gin Kings puro na sa semis ticket

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Gin Kings puro na sa semis ticket
Nakalusot si Scottie Thompson ng Ginebra kay Don Trollano ng SMB para sa kanyang layup.
PBA

MANILA, Philippines — Lagpas isang kahong beer ang ibinuhos ng Barangay Ginebra laban sa San Miguel, 126-99, para tagayin ang 2-0 lead sa PBA Season 50 Governors’ Cup quarterfinals se­ries kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Lumagok ng 34-21 ben­tahe ang Gin Kings sa first quarter at hindi na nagpaawat patungo sa pambihirang 27-puntos na tagumpay.

Halos triple-double na 33 puntos, 10 rebounds at 9 assists ang kinolekta ni import Jordan Murphy upang trangkuhan ang bigating panalo ng Ginebra na pinapatunayang sila pa rin ang kampeon ng Commissioner’s Cup kahit pa wala ang resident import na si Justin Brownlee.

May ambag ding 22 at 19 puntos sina RJ Abarrientos at Stephen Holt, ayon sa pagkakasunod, habang kumamada din ng muntikang triple-double na 12 puntos, 11 assists at 7 rebounds si Scottie Thompson.

“Everyone is as surprised as I am. We didn’t even dream to be 1-1, much more to be 2-0. We’re definitely in a roll. Our offense is clicking and we’re locked in defensively,” ani coach Tim Cone.

Nauna nang binulaga ng Ginebra, No. 3. seed ng Group B, ang Group A No. 1 seed SMB bitbit ang 104-95 panalo sa Game 1.

Tatlong beses lang natalo ang Beermen sa elims at ngayon ay nadalawahang sunod na sila ng Gin Kings upang mamuro na sa puwesto sa semifinals.

Llamado ngayon ang rematch ng Ginebra sa TNT na may 2-0 kartada rin sa Magnolia sa kabilang bracket.

Lumobo ng hanggang 33 puntos ang kalama­ngan ng Ginebra sa kapatid su­balit mahigpit nitong ka­ribal na SMB.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with