NCAP suspendido sa Valenzuela City

MANILA, Philippines — Pansamantalang suspendido muna ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa lungsod ng Valenzuela na epektibong ilalarga na sa ibang mga lugar sa Metro Manila umpisa sa Oktubre 5.
Ayon sa pamahalaang lungsod ng Valenzuela, nauunawaan nila ang layunin ng NCAP, pero sa kasalukuyang sitwasyon sa naturang siyudad ay hindi pa ito ang tamang panahon upang ipatupad ang nasabing panuntunan.
Una rito, noong Setyembre 30 ay sabay-sabay na nag-anunsyo sa kanilang mga opisyal na social media account ang anim na lungsod sa Metro Manila na kinabibilangan ng Quezon City, Manila, Muntinlupa, Parañaque, San Juan, at Valenzuela na kanila ng ipatutupad ang NCAP ng MMDA.
Sinabi ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela na pansamantala munang suspendido ang implementasyon ng NCAP sa naturang siyudad hanggang sa susunod na abiso.
Nabatid pa na sunud-sunod ang konstraksyon at pagkukumpuni sa mga pangunahing kalsada sa Valenzuela City kung saan araw-araw ay nagbabago ang daloy ng trapiko.
- Latest

















