^

Police Metro

Turistang Kano dedo sa hataw ng silya

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 63-anyos na turistang Amerikano nang ito ay mahataw ng silya sa ulo sa naganap na kaguluhan sa isang bar sa Panglao, Bohol.

Ang biktima ay kinilala sa pangalan nitong William, naka-billet sa isang resort sa Brgy. Tawala, Panglao, Bohol.

Sa ulat ng Bohol tourist Police, bago nangyari ang insidente, alas-11:45 ng gabi nitong Sabado sa Escape Bar sa kahabaan ng Alona Beach ay lasing na umano ang biktima nang makabanggaan nito ang grupo ng 41-anyos na suspect.

Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng suspect na nauwi sa suntukan hanggang bumagsak ang biktima.

Dito ay binuhat ng suspect ang isang silya at inihampas sa ulo ng lasing na biktima na duguang humandusay sa insidente.

Mabilis isinugod ng mga nagrespondeng operatiba ng Governor Celestino Gallares Memorial Medical Center sa Tagbilaran City ang biktima, pero idineklaraitong dead-on-arrival.

Nasakote naman ng mga pulisya ang suspect at nahaharap sa kasong kriminal.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with