^

Pang Movies

Regine, tanggap na ang pagtanda

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Regine, tanggap na ang pagtanda
Regine

Ilang tulog na lang at Finale concert na ni Regine Velasquez.

Hindi literal na ‘finale’ ng kanyang career, finale in a sense na pahinga na siya sa pagko-concert sa malalaking venue.

May ilang bagay raw siyang gustong ayusin na hindi niya nagawa noong tutok siya sa career niya. “Before anything else, I’m not totally retiring yet. I’m not retiring, pa. In fact, I have just finished recording a new album.

“But, ano ‘yung ia-avoid ko? I’m not avoiding anything naman. Hindi na lang ako gagawa ng big concert na because I don’t think kaya ko pa. It’s too much work for me—physically, emotionally, and mentally. And also... Ang hirap kasi gumawa ng concert pagka-ganitong age ka na. Just too demanding for someone like me who’s aging. And I can feel it. I was saying this a long time ago. I’ve been very, very honest with the changes in my body. I don’t want to be ridiculed about it anymore,” banggit ulit ni Regine nang humarap sa ilang entertainment media.

Malala nga ang epekto ng pagme-menoupause ni Regine. Bukod sa nagka-crack ang boses niya na epekto ng pagbabago ng estrogen sa katawan ng mga babaeng kaedad niya, malala rin ang kanyang anxiety lalo na ngayong papalapit na ang kanyang Finale concert.

Hindi lahat ng kababaihan ay katulad ang epekto ng menopause na bumababa ang estrogen at kumakapal na ‘yung vocal chords, kaya’t nawawala ‘yung elasticity ng vocal chords.

Andun pa rin ang boses niya pero iba na ang timbre. Inaamin niyang hindi na siya pwedeng maging dati 10 or 20 years ago. Hindi na makakatunog ng ganun.

Ipinapaliwanag niya ‘yun dahil sa social media, mga dating kanta niya ang laging ginagamit kaya ang impression ng social media users, lalo na ang Gen Z, ganun pa rin ang quality ng kanyang boses, 10 to 20 years ago.

At habang papalapit nga ang Finale concert, aminado siyang tumataas din ang level ng kanyang anxiety as in hirap na raw siyang matulog. “Hindi na nga ako nakakatulog eh. Syempre, as I get older, iba na iyong manifestations sa akin.

“Sumasakit na iyong ulo ko. I have been preparing since January. I’ve been practicing. Since February, I think, nag i-exercise, hindi lang kasing dalas. Iyong trainer ko, tini-train na ako. Na-injure nga siya nung isang araw. But it’s a big help. He makes time for me talaga, that’s my husband. I’ve been singing and singing more now. Wala pa kaming rehearsal but I think itong coming week na ito, we’ll start rehearsal,” sagot ni Regine nang kumustahin nga namin ang kanyang anxiety.

Ang magandang nangyari lang, lumayat na siya ng 30 lbs after six months.

Anyway, eh kung kumuha kaya si Regine ng menopause coach?

Yup, meron na ngang menopause coach na pwedeng gumabay sa mga kababaihang nahihirapang sa ganitong stage ng kanilang buhay.

Noong unang panahon, sinasabi lang ng matatanda na ‘inuurungan lang yan ng regla.’

Ayon sa mayoclinic.com ang menopause ay : “Menopause is when periods stop for good. It’s diagnosed after 12 months without a menstrual period, vaginal bleeding or spotting. Menopause can happen in the 40s or 50s. But the average age is 51 in the United States.

“Menopause is natural. But the physical symptoms, such as hot flashes, and emotional symptoms of menopause may disrupt sleep, lower energy or affect mood. There are many treatments, from lifestyle changes to hormone therapy.”

Sinubukan kong hingan ng opinion o reaction ang menopause coach na si Ms. Claudine Felix Viquiera pero habang sinusulat namin ito ay wala pa siyang sagot.

Samantala, ngayon lang din na-realize ni Regine kung gaano karami ang mga kanta niya - original and cover version. Kaya naman, in a way ay hirap na hirap silang mamili ng mga kantang isasama nila sa concert.  “Siguro ‘yung pinaka-finale song, pareho. Pero ‘yung gitna, iba-iba ‘yung maririnig mo. Para lang ma-cover ko halos, at least, I don’t know, like 50% of the songs that I recorded, and the songs that I popularized, or the songs that became my signature songs. So, gano’n. Ang dami pala,” sabi ni Regine.

So, mga estimate mo, mga ilan yun?  “Hindi ko alam, kasi each night, we’ll have 20 songs. Well, actually, that’s not naman the first time eh. Kasi, I’ve been doing that even before.

“So, mas lalo ngayon, I should do it now. Kasi, dahil last major concert ko ito ng big venue. So, tapos kakantahin ko mostly my songs. So, dapat gawin ko rin ngayon. Para lang makanta ko halos lahat.

“Pero hindi pa rin ma-cover. Kasi, ang dami ko palang kanta. Ang dami, dami, dami kong kanta. Even the original songs, ang dami ko palang original songs. So, hindi ko mapagkasya kahit tatlong nights. So, syempre I had to give up some of my favorite ones.”

Samantala, sumakit talaga ang ulo ang team ni Regine dahil sa mga scalper na niraraket ang pagbebenta ng mga concert ticket.

“Marami, marami talaga nagsamantala sa free concert. At nakita namin lahat ng mga fans na nagrereklamo na hindi sila nakakuha ng email confirmation na nakauha sila ng tickets. So, nagmeeting kami, usap-usap kami. So, one way that we can do this is ngayon, ‘yung mechanics kailangan po nila mag-download ng  mWell PH App. Kailangan nilang ipakita pag-claim ng tickets na mayroon sila na active ‘yung app at ginagamit nila. So, mayroon nga kaming post doon. So, that’s one way. Kasi ang scalpers can have 10 accounts, meaning 10 tickets iyon, or times 2 per account kasi. So, 20 tickets ‘yun. So, mayroon isa na talagang nagkaroon ng parang 20 accounts na registered niya. So, one way kasi. You can have so many, kasi marami kang email, ‘di ba?”

Gaganapin ang Finale concert ni Regine sa October 17, 18 (free concert) and 19.

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with