^

Metro

Pagtanggal kay Bonoan sa flood scam, tinabla ng Sandiganbayan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pagtanggal kay Bonoan sa flood scam, tinabla ng Sandiganbayan
Sa resolusyong inilabas ng graft court, ibinasura nito ang Motion for Leave to File Amended Information na inihain noong Hunyo 29.
Philstar.com / Irra Lising

MANILA, Philippines — Tinanggihan ng Sandiganbayan Second Division ang mosyon ng Office of the Ombudsman na alisin si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel “Manny” Bonoan bilang akusado sa kasong graft kaugnay ng umano’y kickback sa mga flood control project ng pamahalaan.

Sa resolusyong inilabas ng graft court, ibinasura nito ang Motion for Leave to File Amended Information na inihain noong Hunyo 29. Nais ng Ombudsman na matanggal si Bonoan sa kaso upang maging state witness laban sa iba pang mga inaakusahan sa umano’y maanomalyang proyekto.

Ayon sa Sandiganbayan, walang sapat na batayan ang kahilingan ng prosekusyon na alisin si Bonoan bilang akusado. Anang korte, maaaring makaapekto ito sa depensa ng kapwa akusado na si Senador Jinggoy Estrada dahil mahalaga ang papel ng bawat sangkot sa paglalahad ng ebidensya at pagtukoy sa kani-kanilang partisipasyon.

Nilinaw naman ng graft court na ang pananatili ni Bonoan bilang akusado ay hindi nangangahulugang hindi na siya maaaring maging testigo ng prosekusyon, basta’t mapatutunayan na natutupad ang mga rekisito para sa pagiging state witness.

Si Bonoan at Estrada ay kapwa nahaharap sa kasong graft kaugnay ng umano’y P573 milyong kickback sa mga flood control project ng pamahalaan.

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with