^

PM Sports

Philippine Youth Dreamers silver sa Vietnam tourney

Pang-masa
Philippine Youth Dreamers silver sa Vietnam tourney
Ang Philippine Youth Dreamers Organization (PYD) team na tumapos ng 2nd place sa Vietnam tourney.

MANILA, Philippines — Nakuntento ang Philippine Youth Dreamers Organization (PYD) team sa kanilang silver medal finish sa Vietnam International Basketball Tournament for Under 12 sa Ho Chi Minh, Vietnam.

Nabalewala ang malinis na record ng Team Pilipinas-PYD ni coach Beaujing Acot sa eliminations hanggang sa semifinals matapos yumukod sa Team Danang ng Vietnam, 35-36, sa finals.

Walang nangyari sa reklamo ni Acot sa itinawag na foul kay Aiden Lao ng isang Vietnamese referee na nagresulta sa kanilang kabiguan.

Inuwi pa rin ng koponan ang pilak na medalya sa kabila ng naging homecourt decision ngunit magsisilbi rin itong leksyon at inspirasyon para sa Team PYD upang mas lalo pang mapabuti ang paglalaro ng basketball ng mga batang basketbolista na nanga­ngarap na makatungtong sa PBA o sa iba pang liga sa Pilipinas o sa labas ng bansa sa hinaharap.

Nagpapasalamat ang PYD sa walang tigil na suporta ng mga sponsors at benefactors gaya ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, JH Athletics Sports Apparels, Converge ICT Solutions, Collegiate Center for ESports at ARS Cargo Movers Corporation.

Paghahandaan ng PYD ang mga aabangang torneo ngayong 2025 kagaya ng paglahok nila sa junior basketball tournament sa Guam at ang pagdaraos ng Dreamers Girls International Basketball Challenge sa Marso.

BASKETBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with