^

PM Sports

Sotto nakaligtas sa rib injury at inaasahang lalaro

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Sotto nakaligtas sa rib injury at inaasahang lalaro
Sinugod ni Gilas Pilipinas center Kai Sotto ang depensa ng Georgia bago nagkaroon ng injury.
fiba.com

MANILA, Philippines — Kakailanganin ng Gilas Pilipinas si Kai Sotto kung nais nitong makasampa sa finals at manatiling nasa kon­tensyon para sa kata­ngi-tanging Paris Olympics ticket sa 2024 FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Riga, Latvia.

At sa pambihirang pa­na­langin ng milyung-mil­yong Pilipino ay posibleng matupad iyon.

Negatibo sa fracture ang resulta ng X-ray at ul­trasound tests ng 7-foot-3 Fi­lipino sensation matapos ang masamang bagsak kontra sa Georgia sa pag­tatapos ng elimination round ng OQT.

Kinabahan ang mga Pinoy fans maging ang Gilas nang madaganan din si Sotto ni Georgia big man Goga Bitadze sa kalagitnaan ng second quarter.

Hindi na natapos ni Sotto ang laro at dinala agad sa ospital.

Ngayon ay makakahi­nga na ang sambayanan sa magandang test results ni Sotto na isa sa nanguna sa higanteng 89-80 panalo ng World No. 25 Gilas kontra sa No. 6 at host Latvia.

Sa pagkawala niya sa kalagitnaan ng 20-point de­­ficit ng Gilas ay hindi sumuko ang koponan at iti­nuloy ang laban hanggang sa maagaw pa ang ka­­lamangan bago malasap ang dikit na 94-96 kabigu­an kontra sa World No. 23 Georgia.

Talo man ay nakum­ple­to ng Gilas ang misyon da­hil sa quotient system upang masikwat ang No. 2 seed sa Group A kontra sa No. 1 team ng Group B na Brazil.

May nakalatag na treatment plan para kay Sotto na magkakaroon pa ng isang buong araw na pa­hi­­nga bago sumalang ang koponan ni coach Tim Cone kontra sa Brazil.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with