Pagpunta ni Noy at Mar sa SM North, kadiri! - KMU
MANILA, Philippines – Binatikos ng isang militanteng grupo ang pagpunta ni Pangulong Benigno Aquino III sa shopping mall sa Quezon City na ninakawan kagabi.
Sinabi ng Labor group na Kilusang Mayo Uno (KMU) na “disgusting†o nakakadiri ang kaagad pagpunta nina Aquino kasama si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa SM City North EDSA matapos magnakaw ng P5 milyong halaga ng mga alahas.
Dagdag nila na hindi na naman kinakailangan ang pagpunta ng dalawang politiko sa pinangyarihan ng krimen.
"The presence of high-ranking police officials at the scene of the crime would have been enough to restore what’s left of the public’s sense of security. Aquino and Roxas showed just how they love Henry Sy and other big capitalists," pahayag ng grupo ngayong Lunes.
Anila, insulto sa mga biktima ng bagyong “Yolanda†na pawang hindi agarang inasikaso ng gobyerno, ang pagpunta nina Aquino at Roxas sa SM North EDSA.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na tumungo lamang sa SM North EDSA ang Pangulo upang alamin ang sitwasyon at siguraduhing magiging maayos ang imbestigasyon.
Samantala, sinabi ni Roxas na tatanggapin na lamang niya ang mga batikos dahil parte ito ng kanyang trabaho.
"Mas mabuti na binatikos na pinuntahan ng Pangulo and yours truly 'yung insidente kaysa ang batikos ay ‘hindi nila napuntahan’, di ba?" banggit ni Roxas.
Binutasan din ng KMU sina Aquino at Roxas nang hindi puntahan ang aksidente sa Paranaque City matapos mahulog ang isang pampasaherong bus ngayong Lunes.
Kaugnay na balita: 18 patay, 16 sugatan sa pagtilapon ng bus sa Skyway
"It is telling that the two are nowhere to be found when 21 people died after a bus dived from the Skyway into the South Luzon Expressway this morning," sabi ng KMU.
Nitong nakaraang linggo ay tila napuno na si Aquino sa mga kritiko at sinabing gagawin na lamang niya ang kanyang trabaho.
“Bahala na si Lord sa inyo, busy ako," pahayag ni Aquino sa Filipino community sa National Olympics Memorial Youth Center sa Tokyo, Japan.
- Latest
- Trending