^

Balita Ngayon

Maulang Undas sa ilang bahagi ng Luzon - PAGASA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maaaring ulanin ang paggunita ng Undas ngayong taon, ayon sa state weather bureau ngayong Huwebes.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makakaranas ng pulu-pulong pag-ulan ang Ilocos region at iba pang parte ng bansa sa Biyernes, araw ng mga santo.

"Scattered moderate to occasionally heavy rainshowers and thunderstorms are expected over the Ilocos Region and over the provinces of Zambales and Bataan," pahayag ng PAGASA.

Magiging maaliwas naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila, dagdag ng weather bureau.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap ang papawirin ng iba pang parte ng bansa na may pulu-pulong pag-ulan na may pagkulog at kidlat.

Inaasahan ng PAGASA na lalabas ng bansa ang bagyong “Vinta” bukas ng hapon, pero dadaanan muna nito ang hilagang Luzon at Ilocos.

Sa araw ng mga kaluluwa, Nobyembre 2, ay bubuti ang panahon na may pulu-pulong pag-ulan sa hapon o gabi.

BAHAGYANG

BIYERNES

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

HUWEBES

ILOCOS

ILOCOS REGION

LUZON

METRO MANILA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

ZAMBALES AND BATAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with