Biktima ng lindol uunahin bago ang mga nasirang simbahan - CBCP
MANILA, Philippines – Tiniyak ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ngayong Martes na uunahin nilang asikasuhin ang pangangailangan ng mga biktima ng lindol bago ang pagpapaayos ng mga nasirang makasaysayang simbahan.
Sinabi ni CBCP president Cebu Archbishop Jose Palma na prioridad nila ang libu-libong biktima ng magnitude 7.2 na lindol na tumama sa Central Visayas nitong nakaraang linggo.
Kasabay nito ay nanawagan si Palma sa publiko na huwag mangamba dahil hindi sila iiwanan ng simbahang Katoliko.
"Our interest now is not yet churches but people because it will take time. Huwag tayong mangamba na kahit nangyayari ito. We still continue the journey or even from the rubble, something good will come out," pahayag ni Palma sa isan panayam sa radio.
Sinabi pa ng pari na imbis na isipin ang dinanas na kalamidad ay pagtuunan na lamang ng pansin ang mga nakukuhang biyaya mula sa Panginoon.
"We should always look back with gratitude sa maraming mga blessings na bahagi ng ating journey. We should mention ang beautiful events na mayroon tayo na huwag nating kalimutan. In moments of difficulties, this is very inspiring and memorable and fruitful memory if the past become the sources of strength. at yun ang challenge ng teenage saints na kahit bata pa ay he is willing to sacrfice," banggit ni Palma.
Samantala, humingi rin ng tulong si Palma sa publiko upang magbigay ng donasyon sa mga biktima ng lindol.
"Tumulong tayo regardless of agencies. Kung may pagdududa, tiyakin na makakarating ang tulong. Tumulong tayo at huwag lagyan ng kulay ang ating pagtulong," pahayag ni Palma.
- Latest
- Trending