Kahit sa South Korea, Noy bumanat kay Arroyo
MANILA, Philippines – Muli na namang hiniritan ni Pangulong Benigno Aquino III ang nakaraang administrasyon sa umano’y kapalpakan nito.
Sa kanyang state visit sa South Korea sinisi ni Aquino ang dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Second District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa umano’y maanomalyang pag-angkat ng bigas.
Sinabi ni Aquino na nagkaroon agad ng P12 bilyong utang ang National Food Authority (NFA) pagpasok pa lamang ni Arroyo at lumaki pa ito matapos ang 10 taong termino.
"By the time she handed government over to me nine and a half years later, this debt has grown to 177 billion pesos—today, a staggering 4.12 billion dollars. How did this happen?," pahayag ni Aquino.
"My predecessor had us believe that the country needed to import 1.3 million metric tons of rice every year," dagdag niya.
Sinabi pa ni Aquino na nag-ankat ng dalawang milyong metric ton na bigas ang Arroyo administration noong 2010 pa lamang na umano’y overpriced at sobra sa kinakailangan.
Pero sinabi ng Pangulo na sa kanyang tatlong taong pamumuno ay maayos na ang supply ng bigas sa bansa.
Ngayong Oktuber lamang din ay binatikos ni Aquino si Arroyo dahil sa nawalang pondo ng bayan.
Aniya ginamit sa pangungurakot ng nakaraang administrasyon ang rice importation, congressional insertions, ang umano’y Malampaya fund scam, at ang reenactment ng national budget
- Latest
- Trending