^

Balita Ngayon

Alkalde sa Isabela diniskwalipika ng Comelec

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Diniskwalipika ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Martes ang isang alkalde sa Isabela province dahil sa umano’y pamimili ng boto.

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na diniskwalipika ng first division ng poll body si Roxas Mayor Benedict Calderon.

Dagdag niya na may malakas ang ebidensya ng Comelec laban kay Calderon.

Nakunan sa video ang pamimili ng boto ng alkalde na isa sa mga ebidensya, habang mayroon ding mga testigo.

Nakakuha ng 10,415 na boto si Calderon noong May 2013 elections upang daigin si Harry Soller na may 6,607.

Si Calderon ang ikaapat na poilitko na diniskwalipika ng Comelec.

Nauna nang sinibak ng Comelec si Laguna Gov. ER Ejercito dahil sa labis na paggastos noong panahon ng kampanya, Norzagaray, Bulacan Mayor Alfredo Gemera at Councilor Rogelio Santos.

Kaugnay na balita: Laguna Gov. ER Ejercito diskwalipikado - Comelec

Kapwa kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III sina Gemera at Santos habang miyembro naman ng United Nationalist Alliance si Ejercito at National People's Coalition naman si Calderon.

vuukle comment

BENEDICT CALDERON

BULACAN MAYOR ALFREDO GEMERA

COMELEC

COMELEC SPOKESPERSON JAMES JIMENEZ

COUNCILOR ROGELIO SANTOS

EJERCITO

HARRY SOLLER

ISABELA

JAMES JIMENEZ

LAGUNA GOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with