^

Balita Ngayon

Pacquiao magiging ama sa panlimang anak nila ni Jinkee

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Madadagdagan ng paghuhugutan ng inspirasyon ang Filipino Boxing icon Manny Pacquiao sa kanyang laban sa Nobyembre kontra kay Brandon Rios.

Ito ay matapos ihayag ng kanyang maybahay na si Jinkee na nagdadalang-tao siya para sa panlima nilang anak.

"We're very thankful that God gave us a new addition to our family," sabi ni Sarangani province Vice-Governor Jinkee sa isang panayam sa telebisyon.

Inamin din ni Jinkee na hindi nila inaasahang ang bagong biyaya ng natanggap.

"Minsan kasi, tayo, sasabihin, 'Ay, ayoko na kasi apat na.' Pero if God wants to have more, why not? Tatanggapin natin," kuwento ni Jinkee.

"Yung iba nga, nagpe-pray pa (to have a child), ang dami nilang ginagawa para magka-anak, pero ito, parang ibibigay lang sa'yo. I'm thankful," dagdag niya.

Sa ngayon ay may apat nang anak ang “Pambansang Kamao” na pinangalanang Jimuel, Michael, Princess at Queenie.

Umaasa naman ang misis ni Manny na lalaki ang kanyang pinagdadalang tao.

"Boy, para ... tatlo na silang basketball player!" banggit ni Jinkee noong birthday celebration ni Princess sa isang orphanage.

"Ayoko na ng mga bonggang party ... Kasi 'yung utos n'ya sa'tin: Help the needy, shelter the homeless, feed the hungry. We should look out not for our own interest, but for the good of others," sabi ni Jinkee.

Nakatakdang sumalang muli si Manny sa gitna ng ring sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Macau, China.

Tangkang bumangon ng 8-division champion mula sa dalawang magkasunod na talo mula kay Timothy Bradley at sa matinding karibal Juan Manuel Marquez.

Pag-aagawan ni Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) at Rios (31-1-1, 23 KOs) ang World Boxing Organization International welterweight title.

vuukle comment

BRANDON RIOS

FILIPINO BOXING

JINKEE

JUAN MANUEL MARQUEZ

NOBYEMBRE

PAMBANSANG KAMAO

TIMOTHY BRADLEY

VICE-GOVERNOR JINKEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with