Liquor ban ipatutupad - Comelec
MANILA, Philippines – Magpapatupad ng liquor ban ang Commission on Election bago ang mismong araw ng barangay elections sa Oktuber 28.
Nakasaad sa Comelec Resolution 9715 na ipatutupad ang liquor ban sa Oktubre 27 hanggang sa mismong araw ng halalan.
Sinabi ng poll body na magsismula ang election period bukas, Setyembre 28.
Maaaring maghain ng certificate of candidacy ang mga nais tumakbo s Oktubre 15, dagdag ng Comelec.
Ayon naman sa tagapagsalita ng Comelec na si James Jimenez ay nagsimula na ang pag-imprenta ng mga balota para sa eleksyon.
Dagdag niya na sisimulan na rin nila ang pagtuturo sa mga guro na uupong election inspectors sa susunod na linggo.
Bukas naman ipatutupad ng Philippine National Police ang kanilang na gun ban.
Kaugnay na balita: 45-day gun ban ng PNP ipatutupad
Magsisimula ang 45-araw na gun ban sa Setyembre 28 hanggang Nobyembre 12, o 30 bago ang araw ng eleksyon at 15 araw matapos ito.
Inilabas ni PNP chief Director General Alan Purisima ang memorandum circular No. 32 or SAFE 2013-ALPHA noong unang linggo ng Setyembre kung saan layunin nitong makipagtulungan sa Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ng Joint Peace and Security Coordinating Center.
- Latest
- Trending