Ex-PNP Chief Razon sumuko na sa Sandiganbayan
MANILA, Philippines – Sumuko na si dating Philippine National Police (PNP) chief Avelino Razon Jr. ngayong Miyerkules matapos maglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan kaninang umaga.
Ipinapaaresto ng Sandiganbayan si Razon at 32 iba pang opisyal ng PNP dahil sa maanomalyang pagpapagawa ng mga light armoured vehicles (LAV) noong 2007 na umabot ang halaga sa P400 milyon.
Kaugnay na balita: Ex-PNP Chief Razon , 32 iba pa ipinapaaresto ng Sandiganbayan
Tumungo si Razon sa 4th Division ng anti-graft court sa Quezon City ilang oras lamang matapos ilabas ang arrest warrant.
Sinabi ng Sandiganbayan na walang piyansa ang kasong falsification of documents kina Razon at 32 iba pa kabilang ang mga kasalukuyang opisyal ng PNP na sina ex-PNP comptrollers Geary Barias at Eliseo de la Paz.
Samantala, sinigurado ng tagapagsalita ng PNP na si Sr. Supt. Wilben Mayor na aarestuhin nila ang iba pang mga sakot sa LAV scam.
- Latest
- Trending