Cebu Institute of Medicine grad nanguna sa physician exam
MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Blake Warren Coloma na mula sa Cebu ang Physician Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) ngayong Martes.
Tumabo ng 89.42-percent rating si Ang ng Cebu Institute of Medicine (CIM) upang angkinin ang top spot mula sa 1,834 na pumasa bilang mga bagong doktor.
Nakuha naman nina Daniel Yenko Guevarra at Abdelsimar Tan Omar II ng University of the Philippines (UP) Manila ang top 2 sa gradong 88.75-percent rating.
Pasok din sa top 10 sina:
3. Ruth Divine Daguro Agustin, Ateneo de Manila University School of Medicine and Public Health (ADMU SMPH) - 88.67 percent
4. Timothy Lee Tang Lee Say, University of Santo Tomas (UST) - 88.5 percent
5. Abegail Chan Ceralde, De La Salle Health Sciences Institute (DLS-HSI) atCo-Neil Rebanal Relato, University of the East- Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UERMMMC) - 88.3 percent
6. Jason Sta. Ana Arboleda, UP Manila - 88.25 percent
7. Donn Romell Marcelo Bernabe, UST at Alvin Christian Caminade Borbon, CIM - 88.17 percent
8. Karen Joyce Go Chua, UP Manila - 88.08 percent
9. Pamela Marie Blanco Imperial, ADMU SMPH - 87.92 percent
10. Paul Anthony Orencia Alad, UP Manila - 87.83 percent
Nanguna naman ang UP-Manila bilang top performing school kung saan pasado lahat ang 149 na kumuha ng pagsusulit na ibinigay ngayong Agosoto, kasama rin ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (97), ADMU SMPH (84) at CIM (79).
- Latest
- Trending