^

Balita Ngayon

Marikina River inilagay sa Alert Level 3

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot na sa ikatlong alarma ang Marikina River dahil sa pagtaas ng tubig dala ng patuloy na pag-ulan ngayong Martes.

Sinabi ng Marikina Public Information Office (PIO) sa kanilang Twitter account kaninang 1:30 ng hapon na nasa 17.3 meters na ang taas ng tubig sa ilog.

Nakabukas na rin ang lahat ng kanilang floodgate upang maiwasan ang pag-apaw ng tubig.

Umabot na sa 519 pamilya o 2,630 na katao ang inilikas ng lokal na pamahalaan at dinala muna sa H. Bautista Elementary School na nagsilbing evacuation area.

Ang hanging habagat na pinalakas ng bagyong Maring ang nananalasa ngayon sa Metro Manila at mga karatig na probinsya.

Kaugnay na balita: 'Habagat 2013' mas maraming ibinuhos kumpara sa Ondoy at 'Habagat 2012'

BAUTISTA ELEMENTARY SCHOOL

HABAGAT

KAUGNAY

MARIKENYO

MARIKINA PUBLIC INFORMATION OFFICE

MARIKINA RIVER

MARIKINARIVER

METRO MANILA

UMABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with