^

Balita Ngayon

Abogado kay Janet Napoles: Sumuko ka na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan ang abogado ni Janet Lim-Napoles upang sumuko na ang negosyanteng itinuturing utak ng pork barrel scam na kinasasangkutan ng mga mambabatas at mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

"I have made an appeal, through the media, to her to come forward. We have the legal options still available for her to avail of," panawagan ni Kapunan ngayong Huwebes.

Naglabas kagabi ng arrest warrant ang Makati Regional Trial Court kontra kina Napoles at ang kapatid niyang si Reynald “Jojo” Lim dahil sa sa kasong illegal detention at kidnapping.

Pinaaresto si Napoles at Lim dahil sa umano’y pagbihag sa whistleblower na si Benhur Luy noong Disyembre 2012.

Si Luy ang nagsiwalat ng umano’y pangungurakot ng milyung-milyong pisong Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na Pork Barrel ng mga mambabatas.

"I can understand why she's not coming forward because she thinks that she has been cheated," sabi ni Kapunan.

Sinabi pa ng abogado na mayroon silang ebidensya na makakapagpatunay na walang basehan ang kasong isinampa kay Napoles.

Ngayon araw ay naglunsad nang malawakang manhunt operation ang National Bureau of Investigation (NBI) upang tugisin ang dalawang suspek.

Kaugnay na balita: Napoles, utol nawawala - NBI

Nagtungo ang mga awtoridad sa bahay ng dalawang suspek sa Muntinlupa, Ayala, Pasig, Makati at Taguig, ngunit ni anino ng dalawa ay hindi nakita.

AYALA

BENHUR LUY

JANET LIM-NAPOLES

KAPUNAN

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

NAPOLES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PORK BARREL

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

SI LUY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with