22-anyos na pipi't bingi hinalay ng 4 binatilyo sa Zamboanga

MANILA, Philippines – Tiklo ang dalawang binatilyo dahil sa umano'y panggagahasa ng isang pipi at bingi na 22-anyos na babae sa Baliguian, Zamboanga del Norte.

Ayon sa mga pulis, nahuli sa akto ng ama ng biktima ang panghahalay sa babae sa loob mismo ng kanilang banyo sa Barangay Mamawan noong Biyernes ng gabi.

Arestado ang 16-anyos na suspek matapos isumbong ng ama ng biktima sa pulisya.

Sinabi ni Police Officer 2 Floreza Compis Espinosa ng Women’s and Children's Desk ng Baliguian Municipal Police Station na may isa pang binatilyo ang sumuko sa mga awtoridad at umamin sa kahalayang ginawa sa biktima.

Ayon pa kay Espinosa, ilang beses nang pinagsamantalahan ang babaeng may kapansanan ng grupo ng dalawang suspek bago pa sila mahuli.

Dalawa pang suspek ang ipinaghahanap ng mga awtoridad.

Show comments