Oil factory ipapasara ng Manila city hall
MANILA, Philippines – Iniutos na ng pamahalaang lokal ng Maynila ngayong Miyerkules ang pagpapasara ng kompanya na may kinalaman sa pagkalat ng langis sa ilog Pasig.
Napag-alamanan ng mga awtoridad na walang permit ang Lorraine Marketing na mag-imbak ng gamit na langis sa Old Panaderos, Sta. Ana, Manila.
Sisilipin din nila ang iba pang papeles ng Lorraine Marketing kung paano ito nakalusot at napatakbo kahit kulang sa mga kaukulang permit.
Balak din ng lokal na pamahalaan na silipin ang records ng iba pang kompanya sa lugar upang maiwasan na maulit ang insidente.
Naging sakit sa ulo ng mga residente ang mabahong amoy ng langis na kumalat sa ilog, kung saan ang iba ay dinala pa sa ospital dahil sa hirap sa paghinga.
- Latest
- Trending