5 huli ng PDEA sa drug den sa Misamis Oriental
MANILA, Philippines – Naisara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den sa Misamis Oriental kasunod ng isang buy-bust operation kamakailan.
Sinabi ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr., nasamsam ng mga operatiba ang anim na gramo ng shabu sa Vamenta Subdivision, Barangay Barra sa bayan ng Opol, Misamis Oriental noong Abril 26.
Dagdag ni Cacdac na sinubukang bumili ng PDEA undercover agent ng shabu sa isang suspek na nakilala sa pangalang Nassef bandang 5:30 ng hapon.
Pero natunugan ni Nassef ang operation at nagawang tumakas nang mapansing papalapit ang mga tauhan ng PDEA sa kanyang bahay.
Hinuli naman ng PDEA ang limang kataong nasa bahay ni Nasser na nakilalang sina Nasser Jaman, 29, ng Mabasa, Carinogan, Barangay Balulang,
Cagayan de Oro City; Hajilul Guro , 29; Moktar Mama, 28; Alanudin Guro, 32; at Alfais Ali, 20, na pawang mga taga Vamenta Subdivision Barra, Opol, Misamis Oriental.
Nakumpiska sa mga inaresto ang tatlong pakete ng shabu at iba’t ibang drug paraphernalia.
- Latest
- Trending