^

Balita Ngayon

Sulu sultanate army may suportang nakukuha sa Sabah locals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patuloy na nakakatanggap ng suporta ang Sultanato ng Sulu sa Sabah dahil na rin sa paghina ng ginagawang pagtugis ng mga awtoridad ng Malaysia sa kanila, ayon sa isang nakakatandang opisyal ng Moro National Liberation Front (MNLF) ngayong Biyernes.

Sinabi ni Habib Mujahab Hashim, MNLF foreign affairs deputy at tagapangulo ng Islamic Command Council (ICC), hindi na masyadong umuusad ang pag-atake ng Malaysian authorities laban sa grupo ni Raja Muda Agbimuddin Kiram dahil sa paparating na eleksyon sa Malaysia.

“Hindi na sila nahihirapan sa pagkain doon dahil may mga local supporters na ang nagprovide ng logistic,” sabi ni Hashim na tagapangulo rin ng Council of Royal Sharif ang tagapangalaga ng ari-arian at tagapayo ng Sultanato ng Sulu.

Aniya sa mga ulat na natatanggap nila, patuloy ang pagpasok ng tropa ni Kiram sa Sabah.

May mga ulat rin na nagsasabing aabot sa isang libong MNLF ang nakakapasok sa Sabah.

Pero hindi naman makupirma ni Hashim kung ang reinforcement ay mula sa liderato ng MNLF.

Mayroon din mga ulat na nagsasanay ang puwersa ng MNLF sa sulu mula pa noong nakaraang buwan upang paghandaan ang pagpapalakas ng puwersa ng sultanato sa Sabah.

vuukle comment

ANIYA

BIYERNES

COUNCIL OF ROYAL SHARIF

HABIB MUJAHAB HASHIM

HASHIM

ISLAMIC COMMAND COUNCIL

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

RAJA MUDA AGBIMUDDIN KIRAM

SABAH

SULTANATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with