^

Balita Ngayon

Reklamong pang-aabuso sa Pinoy sa Sabah idinudokumento na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinisimulan nang kolektahin ng Regional Human Rights Commission (RCHC) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ang mga reklamo ng pang-aabuso ng mga Filipino evacuees sa Sabah laban sa Malaysia security forces.

Ayon kay RCHC chief Laisa Alamia, inihahanda na nila ang mga sinumpaang-salaysay ng mga evacuees sa umano’y paglabag ng mga awtoridad sa Malaysia sa kanilang karapatang pantao.

Ilang lokal na opisyal ng Tawi-tawi ang nagsabing maraming evacuees ang nagkuwento sa kanila kung paano sila minaltrato at sapilitang pinalayas sa kanilang mga bahay kahit na may mga dokumento silang nagpapatunay na legal silang natatrabaho sa Sabah.

Nakatanggap din ng mga ulat si Alamia na kinumpsika ng mga awtoridad ng Malaysia ang mga dokumento ng mga evacuees bago sila pinalayas sa Sabah.

Samantala, nanawagan si Alamia sa agarang pagtugon ng international human rights organizations sa reklamo mga Filipino ng pang-aabuso sa kanila.

Aniya, may opisina ang United Nations High Commissioner on Refugees na sakop ang mga probinsya sa ARMM.

“We are now investigating on this. Documentations are being done now,” sabi ni Alamia.

Umabot na sa 2,000 Pilipino ang bumalik sa Tawi-tawi at Sulu mula nang magsimula ang kaguluhan sa Sabah sa pagitan ng royal army ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III at puwersa ng Malayisa, may dalawang linggo na ang nakakaraan.

Naapektuahn din ng kaguluhan sa Sabah ang presyuhan ng mga pangunahing bilihin sa Tawi-Tawi at Sulu.

Aabot sa 80 porsyento ng pangunahing bilihin sa Tawi-tawi tulad ng bigas at petrolyo ay nanggagaling sa Sabah.

ALAMIA

AUTONOMOUS REGION

LAISA ALAMIA

MUSLIM MINDANAO

SABAH

SULU SULTAN JAMALUL KIRAM

TAWI

UNITED NATIONS HIGH COMMISSIONER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with