Int'l Women's Day dapat gawing 'non-working' holiday
MANILA, Philippines – Sa pagdiriwang ng International Women's Day, umaasa si Davao City 2nd district Rep. Mylene Garcia-Albano na maipapasa na ang panukalang gawing non-working holiday ang Marso 8 upang lubos na maramdaman ng mga Filipina ang pagdiriwang ng International Women's Day.
Isa si Garcia-Albano, Vice Chairperson ng House Committee on Women and Gender Equality, sa 60 na mambabatas na may-akda ng House Bill 3962 na naglalayong gawing non-working holiday ang Marso 8.
“Today, we salute our women for all their many achievements, sacrifices and challenges that th ey have faced in working for the well-being of their families and our country. We hope that in the near future, we can allow them to enjoy Women’s Day more by declaring it a non-working holiday,†pahayag ng mambabatas.
Nanawagan din ang bar topnotcher na si Garcia-Albano para sa mas maraming socio-economic opportunities para sa kababaihan sa pagsuporta ng iba’t ibang sektor ng lipunan.
May isang taon nang nakabinbin sa Senado ang HB 3962 na unang iniakda ni Gabriela Party-list representative Luzviminda Ilagan.
Layunin ng panukala na amyendahan ang Republic Act 6949 “An Act Declaring March 8 of Every Year as A Working Special Holiday to be Known as National Women’s Day.â€
Nakasaad din sa panukala ang paghahanda at pagpapatupad ng programa ng lahat ng ahensya ng gobyerno para sa paggunita ng National Women’s Day at pagtataguyod ng karapatan ng kababaihan tuwing Marso 8.
Manggagaling ang pondo para maipatupad ang mga programa sa limang porsyento ng Gender and Development (GAD) budget ng mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na gobyerno.
Itinakda ng United Nations ang temang “A promise is a promise: Time for action to end violence against women†para sa paggunit ng International Women’s Day ngayon taon.
- Latest
- Trending