Protesta sa OPAPP office ikinasa ng Karapatan
MANILA, Philippines – Magpuprotesta ang grupong Karapatan ngayong Miyerkules sa harap ng tanggapan ng Presidential Adviser on the Peace Process sa Ortigas (OPAPP) sa Pasig City upang manawagan na palayain na ang lahat ng political prisoners sa bansa.
Hihingin din ng mga miyembro ng Karapatan, isang grupong nagbabantay sa mga pang-aabuso sa karapatang pantao, sa mga opisyal ng OPAPP na palayain ang mga nakakulong na consultants ng National Democratic Front of the Philippines.
Isasama na rin ng grupo ang panawagan sa gobyerno na ituloy ang natigil na peace talks sa NDFP.
Nakatakdang magsimula ang protesta sa harap ng opisina ng OPAAP sa Agustin Building, F. Ortigas Jr. Road, Ortigas Center, Pasig bandang 11 ng umaga.
- Latest
- Trending