^

Balita Ngayon

Singer ninakawan na, sinaktan pa sa Mandaluyong

The Philippine Star

MANILA, Philippines – Ninakawan at sinaktan ang isang recording artist ng dalawang holdaper kaninang Martes ng madaling araw sa lungsod ng Mandaluyong.

Isinugod sa Polymedic Hospital si Joel Mendoza, recording artist ng Viva, matapos magtamo ng mga sugat sa ulo nang paghahampasin ng baril ng mga holdaper sa tapat ng Metrobank ATM sa kalye ng Libertad.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Mendoza  na pasakay na siya sa kanyang sasakyan nang bigwasan siya ng isa sa mga suspek gamit ang baril.

"Papasok na ako sa Rav 4 ko, bubuksan ko na iyong pinto ng bigla akong sinubsob ng isa sa mga suspek. Kinuha agad yung pera sa bulsa ko at tinulak ako 'ibigay mo yung wallet mo! Ibigay mo yung wallet mo!'. Kinukuha ko naman po pero pinupukpok pa ako," sabi ni Mendoza.

Napigilan ng tsuper ni Mendoza ang isang suspek na babarilin sana ang recording artist.

"Pero nagtatakbo na sila...nagdidilim na paningin ko at punong-puno na ng dugo ang katawan ko," sabi ni Mendoza.

Nakatakas ang mga suspek dala ang P20,000 na nakuha mula kay Mendoza.

Bumalik lamang sa bansa si Mendoza, na nakabase na sa San Diego, California, dahil sa ilalabas nilang album ng composer na si Vehnee Saturno.

BUMALIK

IBIGAY

ISINUGOD

JOEL MENDOZA

KINUHA

KINUKUHA

MENDOZA

POLYMEDIC HOSPITAL

SAN DIEGO

VEHNEE SATURNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with