500 mahihirap sa QC nagprotesta laban sa demolisyon

 

MANILA, Philippines – May 500 na mga residente ng urban poor areas ang nagsagawa ng demonstrasyon ngayong Lunes upang ipakita ang kanilang pagprotesta sa sa plano ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na demolisyon sa kanilang mga komunidad upang bigyang-daan ang pagpapalawak ng Payatas dumpsite.

Kontra ang mga miyembro ng grupong Anakpawis, Kadamay at AKD sa plano ni Mayor Herbert Bautista na magkaroon ng “pocket demolitions” sa mga komunidad ng mga informal settlers.

Ayon kay Anakpawis vice chairperson Fernando Hicap, hindi katanggap-tanggap para sa kanila na mas nag-iisip ang pamahalaan ng Quezon City ng mas pagtatayo ng dumpsite sa halip na mag-isip ng paraan upang mabigyan ng maayos na mga tahanan ang mga mahihirap.

Idinagdag ni Hicap na nakakadismaya na mas inuuna ng lokal na pamahalaan ang pag-iisip ng pagkakakitaan kapalit ng pagkawala ng tirahan ng mga residente ng lungsod.

Dagdag ni Hicap na libu-libong pamilya sa Payatas ang nangangamba sa pagpapaalis sa kanila ng Task Force for Control, Prevention at Removal ng Illegal Structures at ng Payatas Operations Group na naatasan na magsagawa ng pocket demolitions.

Show comments