DepEd hinimok magpatupad ng 'no collection' policy
MANILA, Philippines – Nanawagan ang isang children rights advocacy group sa Department of Education (DepEd) na ipatupad ang "no-collection policy" tuwing sasapit ang panahon ng mga Christmas party sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Umapela ang mga grupong Akap Bata Philippines at Community Response for Enlightenment, Service And Transformation matapos makatanggap ng ulat na may ilang pampublikong paaralan ang humihingi ng kontribusyon para sa mga Christmas party.
Kamakailan lamang ay sinabi ni DepEd Secretary Armin Luistro sa mga guro at opisyal ng mga pampublikong lugar na gawing simple lamang ang mga Christmas party.
Samantala, isasagawa ng dalawang grupo ng taunang ‘Paskuhang Paslit’ gift giving activity sa may 300 bata sa San Agustin Church sa Maynila ngayon, dalawang linggo bago ang araw ng Pasko. Dennis Carcamo
- Latest
- Trending