^

Pang Movies

Housemate na si Eugene Reggio, ­self-prescribed ang nilalaklak na melatonin

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Housemate na si Eugene Reggio, ­self-prescribed ang nilalaklak na melatonin
Eugene Reggio.
STRA/ File

Nag-aalala ang mga netizen para sa bagong Pinoy Big Brother (PBB) Collab 3.0 housemate na si Eugene Reggio matapos niyang aminin na umiinom siya ng melatonin nang walang reseta ng doktor.

Nang tanungin ni Primo Alterado ang 23-year-old British-Korean kung ilang milligrams ang iniinom niya, sinabi ni Eugene na karaniwan ay 5 o 6 na piraso ang sabay-sabay niyang iniinom — tinatayang nasa 15 to 20 mg.

Nang tanungin naman siya ni Anthony Constantino kung doktor ba ang nagreseta nito, inamin ni Eugene na “just self-prescribed” lang ito.

Nabigla sina Raheel Bhyria at Primo sa taas ng dosage, at biro pa nila na baka hindi na siya magising sa loob ng 24 oras.

Para sa karamihan ng adults, ang karaniwang effective dose ng melatonin ay nasa 0.5 mg hanggang 5 mg lamang, na iniinom mga 30 to 60 minutes bago matulog. Ang 15 mg to 20 mg ay sobrang taas na kumpara sa karaniwang rekomendasyon at hindi ibig sabihin na mas mabilis kang makakatulog.

Nangangamba ang marami na ang mataas na dose ay pwedeng magdulot ng matinding antok sa araw, sakit ng ulo, pagkahilo, pagduduwal, vivid dreams at pagkagulo ng natural sleep-wake cycle.

Kaya hiling ng ilang netizens kay Kuya, sana ay mapatingin si Eugene sa doktor para mabigyan siya ng mas ligtas na gamot para sa problema niya sa pagtulog.

Samantala, may bagong na-discover ang viewers at fans kay Sparkle star Allen Ansay na isa rin sa official housemates ng PBB – may tinatago pala siyang pagka-tito!

Sa nagdaang episode ng reality competition, ipinasilip ang kulitan moments ng housemates habang rumarampa si Allen dala-dala ang kanyang mga baon na “tito jokes.”

Natural na natural lang lumabas ang funny side ng Kapuso actor sa loob ng Bahay Ni Kuya, parang hindi na nag-effort, tito na tito na talaga!

Aliw na aliw sa kanyang mga banat sina Jeo Ong, Ronnie Pasamba, Winwyn Marquez, Lans Nagal, Mikee Quintos at Daniela Stranner. Halos hindi na sila makahinga sa kakatawa!

At bumenta pa lalo ang kanyang stand-up comedy na Tito Swag noong birthday niya. Sunud-sunod na tito jokes ang binitawan niya na talaga namang kinagiliwan ng lahat ng housemates.

Brad at Angelina, nagkaayos na sa pinag-awayang winery property

Nagkasundo na sina Brad Pitt at Angelina Jolie sa matagal at mapait na legal na labanan kaugnay ng pagbebenta ng French winery na sabay nilang binili.

Sa isang pahayag na ibinigay sa US media, hindi nagbigay ng detalye ang dalawang Hollywood stars tungkol sa kasunduan para sa Chateau Miraval, ang mamahaling estate na naging sentro ng kanilang magulong diborsyo.

“We have settled out of court in the best interests of our family and will not be commenting further,” ayon sa pahayag.

“Any comments in media stories attributed to ‘sources’ are in fact not coming from either of us, or anyone close to us,” dagdag pa nito na binanggit ng People.

Naghiwalay ang dalawa noong 2016 matapos ang 12 years na pagsasama. Ang kanilang divorce ay hindi natapos hanggang 2024.

Sa gitna ng legal na alitan, ibinenta ni Jolie ang kanyang bahagi sa winery sa isang unit ng Stoli Group, ang global drinks company sa likod ng Stolichnaya vodka. Sa mga legal filing, iginiit ni Pitt na lumabag ang pagbebenta sa kanilang kasunduan na kailangan ang paunang pag-apruba ng parehong partido.

Tumugon naman si Jolie sa pamamagitan ng countersuit at inakusahan ang dating asawa ng pagiging “vindictive.”

Iginiit din ni Jolie sa mga naunang filing na tumanggi si Pitt na bilhin ang kanyang bahagi sa winery dahil ayaw niyang pumirma sa isang non-disclosure agreement na ayon sa kanyang legal team ay pagtatangka na patahimikin siya tungkol sa umano’y domestic abuse.

Kabilang sa mga alegasyon ang isang insidente sa loob ng private jet kung saan sinabi ni Jolie na sinakal umano ni Pitt ang isa sa kanilang mga anak at sinaktan ang isa pa, habang lumilipad ang pamilya mula California patungong France noong September 2016.

Walang criminal charges na isinampa kaugnay ng mga alegasyon.

 

PBB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with