Truck sumalpok sa bodega, 6 sugatan
MANILA, Philippines — Anim katao ang iniulat na nasugatan makaraang aksidenteng sumalpok ang isang 10 wheeler Isuzu wing van truck sa isang bodega sa loob ng Philippine Rabbit compound sa Marcos highway sa bayan ng Tuba, Benguet nitong Lunes ng gabi.
Sa ulat ng Benguet Provincial Police Office (PPO), nawalan umano ng preno ang nasabing Isuzu wing van truck kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver nito.
Tuluy-tuloy namang sinalpok ng nasabing truck ang bodega sa loob ng Philippine Rabbit compound o garahe sa nasabing lugar.
Agad namang nagresponde ang mga elemento ng Tuba Municipal Police Station (MPS), Tuba Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Bureau of Fire Protection (BFP) at 911 Baguio emergency rescue teams sa pinangyarihan ng insidente.
Mabilis na isinugod sa pagamutan ang lahat ng mga nasugatang biktima para malapatan ng lunas kabilang ang 45-anyos na driver ng truck na taga Sto. Tomas, Batangas at ang pahinante nito.
- Latest


















