Romanian national, timbog sa higit P43 milyong shabu
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Romanian national na nakumpiskahan ng anim na kilong shabu na nagkakahalaga ng P43.27 milyon sa NAIA nitong Lunes.
Kinilala ang suspek na si Florin Pavel, 65, na naharang matapos inspeksiyunin ang kanyang mga bagahe at nadiskubre ang 36 na pakete na naglalaman ng humigit-kumulang 6,364 gramo ng puting kristal na hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu.
Dinala ang mga nakumpiskang substance sa PDEA Laboratory Service upang sumailalim sa pagsusuri at matukoy ang eksaktong komposisyon at dami ng mga ito.
Nahaharap ang Romanian national sa kasong paglabag sa Section 4, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, alinsunod sa magiging resulta ng imbestigasyon at mga susunod na prosesong legal.
- Latest


















