300 raliyista sa ASEAN Summit, inaresto

MANILA, Philippines — Umabot sa 300 raliyista,kabilang ang ilang estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), katutubo, at miyembro ng grupong Lakbayan ng Timog Katagalugan, ang inaresto ng pulisya sa Muntinlupa City nitong Linggo, Nobyembre 15, 2026.
Batay sa ulat, papunta sana ang delegasyon sa Liwasang Bonifacio upang magprotesta laban sa planong pagtatayo ng proyektong Pax Silica at sa pagbisita ni U.S. President Donald Trump kasabay ng pagbubukas ng 49th ASEAN Summit. Ayon sa ulat ng PUP Office of the Student Regent, sampung lider-estudyante mula sa PUP ang kabilang sa mga hinuli ng Philippine National Police (PNP). Kasama rin sa mga nadakip ang ilang katutubo at mga raliyista mula sa Timog Ayon kay Southern Police District (SPD) Director PBGen. Rodel Pastor na inaresto ang mga raliyista matapos nilang tumangging umalis sa kalsada sa kabila ng halos 12 oras na negosasyon at alok na ihatid sila sa kanilang pupuntahan. Dagdag pa ng pulisya, kailangang maibalik ang kaayusan dahil may mga paaralan at establisimyentong naaapektuhan, at may naitalang pinsala at kaguluhan sa isang convenience store.
Kinondena ng mga organisasyon ng kabataan at mga nagpoprotesta ang nasabing operasyon. Tinawag nila itong marahas at arbitraryong pag-aresto sa gitna ng kanilang mapayapang pagkilos.
Samantala, 9 na raliyista ang inaresto habang dalawa ang nasugatan nang sumiklab ang tensyon sa pagitan ng mga raliyista at pulisya sa Maynila kasabay nang pagbubukas ng 49th ASEAN Summit nitong Linggo,Nobyembre 15, 2026.
Nabatid na nagtipon ang mga progresibong grupo sa Liwasang Bonifacio sa Ermita, Maynila at nagtangkang magmartsa patungo sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, subalit hinarang sila ng mga pulis sa kahabaan ng Padre Burgos Avenue upang pigilang makalapit sa venue ng summit.
Nagkaroon ng gitgitan nang magpumilit ang hanay ng mga raliyista na makalusot sa barikada ng mga pulis.
Dalawang indibidwal ang nagtamo ng sugat sa gitna ng komosyon, kung saan isa sa kanila ang nagsabing tinamaan siya ng riot shield sa ulo. — Gemma Garcia
- Latest


















