Erwan at Anne, nagluluksa sa anniv

Nakakaiyak naman ang Instagram post ni Erwan Heussaff, video ng wedding nila ni Anne Curtis, kaya lang, kasabay ng interment ng pumanaw niyang ama.
“A strange one this year. Today marks our 9th wedding anniversary, but it’s also the day of my father’s memorial service.
“I guess as you get older, you learn to hold more of life’s joy and sadness at the same time. “Easier when we have each other.
“His speech at our wedding was very “my dad.”
Short na “Papa” ang reaction ni Anne.
Isa sa nagmarka na sinabi ng dad ni Erwan sa kanyang speech ay “The greatest thing that he (Erwan) did was to find you (Anne).” Naiyak tuloy ang mga nakapanood sa video.
Sa video, mapapanood ang pagyakap ni Erwan sa ama at ang pag-iyak nito. Niyakap siya nang mahigpit ng ama at saka yumakap sa kanila si Anne. Sa speech ng dad ni Erwan, sinabi nitong he is waiting for the boys that will carry the Heussaff name to the next generation.
Isa pa lang ang anak nina Erwan at Anne, mga bata pa sila at kayang-kayang tuparin ang wish ng ama ni Erwan for him and Anne to have sons. Puwede nang sundan si Dahlia ng mga kapatid na lalake.
Kim, hinahamong magpakita
Hindi pa ready si Kim Chiu na magpakita sa kanyang fans dahil sa post nito, kamay lang niya doing the heart sign ang makikita. Sa harap niya nakaupo ang brother at niece yata niya. Nabanggit lang ni Kim that they are eating Filipino breakfast.
Nami-miss na siya ng kanyang fans at ang request kay Kim, mag-post naman siya ng latest photos niya para lang makita siya.
Updated pa rin si Kim sa mga nasusulat sa kanya. Nagpaalala na nga ito sa mga nagsusulat at nagre-report ng fake news about her. May kinalaman yata ito sa netizen na nagkumpirma that she’s pregnant na later on, sinabing na-hack ang Facebook account ng nag-post.
- Latest






















