^

PM Sports

Ginebra, Converge nakatutok sa semis

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Susubok ang Barangay Ginebra at Converge na maalpasan na ang San Miguel at Rain or Shine, ayon sa pagkakasunod, upang makamartsa na sa semifinals sa Game 4 ng PBA Season 50 Governors’ Cup quarterfinals se­ries sa Smart Araneta Co­liseum.

Unang tatangka ang Gin Kings ngayong alas-5:15 ng hapon kontra sa ka­patid subalit mahigpit na Beermen kasunod ang parehong misyon ng Fiber­Xers kontra sa Elasto Painters sa main game ng double-header sa alas-7:30 ng gabi.

Parehong may 2-1 kar­tada sa best-of-five series ang Ginebra at Converge.

Kinubra ng Gin Kings ang unang dalawang laban kontra sa Beermen ngunit yumukod sa Game 3, 101-98, habang taob sa Game 1 ang Converge ba­go angkinin ang huling dalawang laro.

May tsansa sana ang Gin Kings na makumpleto ang 3-0 sweep kahit natambakan ng hanggang 15 puntos kontra sa Beermen bago kapusin lang nang bahagya sa comeback nila tungo sa di­kit na tatong puntos na kabiguan.

At ang balikas na iyon ang balak sakyang mo­men­tum ni head coach Tim Cone upang hindi na pahiritin ng winner-take-all Game 5 ang SMB.

“I’m proud of the way we played, I’m proud of the way we battled,” ani Cone ng Ginebra na ti­­namabakan ang SMB sa unang dalawang laro, 104-95, at 126-99.

“So, hopefully, we bring that same battle, but this time we can make some shots and handle the ball better, in Game 4.”

Sa kabilang banda, hawak ng FiberXers ang buong momentum matapos ang 124-120 kabiguan sa Game 1. 

 

CONVERGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with