^

PM Sports

Tatum, George idiniretso Celtics sa ika-5 dikit

Pang-masa
Tatum, George idiniretso Celtics sa ika-5 dikit
Ang slam dunk ni Jayson Tatum ng Boston Celtics matapos makawala sa Orlando Magic.

ORLANDO, Fla. — Bumira si Jayson Tatum ng 32 points — ang 15 dito ay mula sa free-throw line — at nagdagdag si Paul George ng 17 markers sa 108-97 paggupo ng Boston Celtics sa Magic.

Ito ang pang-limang sunod na arangkada ng Boston matapos matalo sa una nilang laro.

Umiskor si Anthony Black at Tristan Da Silva ng 23 points para sa Orlando (2-4).

Nakahugot ng magandang depensa ang Celtics kay Neemias Queta sa huling dalawang minuto ng fourth quarter, samantalang ang three-point shot ni George sa 1:32 minuto ang nagbigay sa kanila ng   11-point lead.

Hindi na nakadikit ang Magic na naglaro na wala si injured Paolo Banchero (high-ankle sprain).

Ipinoste ng Boston ang isang 15-point lead sa third period bago nakabangon ang Orlando mula sa limang triples ni Da Silva para sa kanilang 74-77 agwat papasok sa final canto.

Itinabla ni Black ang Magic sa 79-79 matapos makumpleto ang kanyang three-point play kay George.

Sa Los Angeles, nag­lista si Luka Doncic ng 45 points, season-high 15 rebounds, anim na assists at limang steals para tulungan ang Lakers sa 131-125 panalo sa Toronto Raptors.

Kumonekta rin si Don­cic ng walong three-pointers sa pagbangon ng Los Angeles (5-2) mula sa naunang 17-point loss sa Golden State Warriors noong Biyernes.

Sa iba pang laro, pina­dapa ng Golden State Warriors ang Los Angeles Clippers, 124-112; at wagi ang Brooklyn Nets sa Indiana Pacers, 98-90.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with