Drag Race Philippines queens, may bagong katuwang

May bagong katuwang ang mga queen ng Drag Race Philippines Season 4!
At hindi lang basta suporta ang hatid nito kundi pati ang kanilang winning moments!
Ito ay ang Sendwave, na bonggang sumabak sa bagong season ng hit reality competition.
At kasama rin sa spotlight ang milyun-milyong overseas Filipino workers (OFWs) na araw-araw nagsusumikap para sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.
Bawat padala ay may kaakibat na kuwento ng pagmamahal, sakripisyo at pagsisikap.
Mula sa panggastos sa groceries, pambayad ng bills, tuition at pamasahe hanggang sa simpleng dagdag-budget ng pamilya, malaking bagay ang bawat perang ipinapadala mula abroad.
At kung may mga taong deserved ng bonggang suporta, walang duda na kasama rito ang ating mga OFW!
“We see that same drive in the millions of OFWs abroad chasing dreams for their families. That connection matters to us, and it’s why we build partnerships like this,” pahayag ni Leo Albea, Head of Philippines Market at Sendwave.
Sa buong Season 4 ng Drag Race Philippines, mapapanood ang iba’t ibang special integrations nila, kabilang ang mga eksenang ipinagdiriwang ang tagumpay ng mga queen sa kanilang challenges.
- Latest
























