^

Punto Mo

Babaing may brain aneurysm pinagaling ni St. John Paul II (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

TINANINGAN na ng mga doktor si Floribeth Mora Diaz, isang Costa Rican mother dahil sa malubha nitong sakit: terminal, brain aneurysm. Hindi ito puwedeng operahan. Wala nang magagawa pa para mailigtas ang buhay. Ipinayo ng mga doktor sa pamilya na iuwi na lamang sa bahay si Floribeth at doon hintayin ang mga nalalabing araw.

Iniuwi si Floribeth.

Malungkot na malungkot ang buong pamilya. Tinanggap nila ang katotohanan na hanggang doon na lang talaga ang buhay ni Floribeth.

Ipinaubaya na nila sa Diyos ang mga mangyayari rito.

Noong Mayo 1, 2011, habang nasa kuwarto at nag-iisa si Floribeth, nasulyapan niya ang retrato ng yumaong Pope John Paul II.

Habang nakatitig sa rertrato, narinig ni Floribeth ang mga katagang “Huwag kang matakot. Bumangon ka.” (Be not afraid. Get up.)

Ayon sa pagkukuwento ni Floribeth, nang araw na iyon ng Mayo 1, 2011 ay nataong Divine Mercy Sunday at araw ng beatification ng yumaong Pope John Paul II.

Sinabi umano ni Floribeth sa asawa na huwag siyang bigyan ng sleeping pills dahil gusto niyang mapanood sa telebisyon ang beatification ni Pope John Paul II. Noon daw ay alas otso ng umaga.

Madilim umano sa kanyang kuwarto. Hanggang sa marinig niya ang boses: Be not afraid. Get up.

Natakot umano siya sapagkat alam niya na nag-iisa siya sa kuwarto.

Ganunman, sinunod niya ang utos. Sabi pa raw niya sa nag-utos: “Yes Sir.”

Bumangon siya. Wala siyang naramdamang sakit o pagod. Napakalakas daw niya. Nagkaroon siya ng renewed spirit at kapayapaan ng isipan. (Itutuloy)

BRAIN ANEURYSM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with