Raymond, ‘di noon pumasa kay Regine

Unknown to many, malaki ang naging papel ni Megastar Sharon Cuneta sa pagpasok sa showbiz ni Raymond Lauchengco.
Nagkataon noon na school principal ang ama ni Raymond sa international school kung saan dati nag-aral ang Megastar at may mga pagkakataon na nagkikita umano sila nito.
Si Raymond ay 12-anyos pa lamang noon nang ito’y magsimula sa teatro pero si Sharon naman ang naging instrumento ng pagpasok nito sa showbiz in 1982 nang siya’y irekomenda ng Megastar kay Boss Vic Del Rosario ng Viva and the rest ay history nang maituturing.
Over at Viva, hindi lamang acting ang pinasok ni Raymond kundi bilang isang singer and recording artist na rin.
First movie ni Raymond sa bakuran ng Viva ang pelikulang Cross My Heart na pinagbidahan noon nina Sharon at dating kasintahang si Rowell Santiago. Magmula noon ay naging sunud-sunod din ang paggawa niya ng movie. Nung 1984, nabago ang takbo ng kanyang buhay at career nang siya’y mapasama sa youth-oriented film na Bagets na pinagsamahan nila nina William Martinez, Aga Muhlach, Herbert Bautista at J.C. Bonnin.
Nakilala nang husto si Raymond dahil sa kanyang talent in singing and acting.
At sa darating na Nov. 21 (Saturday) ay muling mapapanood si Raymond sa isang kakaibang concert sa pamamagitan ng We Built This City na gaganapin sa Samsung Performing Arts Theatre, Circuit, Makati. Si Marvin Querido ang tatayong musical director habang ang kanyang nakatatandang kapatid, ang singer, stage actress and director na si Menchu Lauchengco-Yulo as concert director produced ng Global Resource Creative Exchange. Magiging espesyal na panauhin ni Raymond sa kanyang upcoming pre-birthday concert sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Mitch Valdes at Regine Velasquez na kamakailan lamang nag-mount ng kanyang three-night sold-out farewell concert sa SM MOA Arena.
Samantala, during the presscon, inamin ni Raymond na he dated Asia’s Songbird Regine Velasquez kung saan kasama ang namayapa nitong ama na si Mang Gerry Velasquez. Nag-dinner umano sila at nanood noon ng musical play sa Meralco kung saan isa sa tampok ay ang nakatatandang kapatid ng singer-actor na si Menchu Lauchengco-Yulo.
Ang paghanga at respeto niya sa dalawang singer-actresses including Lea Salonga ay hindi umano nawala kahit kelan. Ang maganda, nanatili umano niyang mga kaibigan (sa industriya) ang mga ito hanggang ngayon.
Ang misis ni Raymond ay si Mia Rocha-Lauchengco, ina ng dalawa niyang anak.
Si Mia ang kanyang ever-supportive wife of 18 years.
- Latest





















