200 Vietnamese nasagip sa scam hub sa Subic
MANILA, Philippines — Nasa 200 Vietnamese nationals ang nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) nang salakayin ang isang scam hub sa Subic, Olongapo City, nitong Huwebes, Oktubre 22, 2026.
Isinagawa ang operasyon ng NBI-Pampanga District Office (PAMDO) sa bisa ng Warrant to Search, Seize and Examine Computer Data (WSSECD) na inisyu ng RTC Branch 73, Olongapo City na sinundan ng isang buwang surveillance at intelligence work sa pasilidad.
Ayon kay NBI Director Atty. Melvin A. Matibag na ang scam ay tumatakbo ng 24-oras na may shifting ng mga tauhan, may nakatalagang payments desk na nagpoproseso ng deposits at withdrawals, at naglilipat ng pondo sa pamamagitan ng network ng mga bank at e-wallet accounts. Makikita sa kanilang staff schedules na may mga team na nakatalaga sa mga target sa Pilipinas, United Arab Emirates, at Bangladesh.
Sinusuri pa ang mga dokumento ng mga Vietnamese upang matukoy kung sila ay biktima ng human trafficking.
Nakatakdang sampahan ang mga suspek na nag-organisa, namahala, at nagpondo sa operasyon.
- Latest
















