^

Metro

Testigo vs Marcoleta ubos na - legal counsel

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala nang natitirang testigong ihaharap ang prosekusyon sa pagpapatuloy ng paglilitis sa kaso ni Senador Rodante Marcoleta at ng kanyang mga kapwa akusado sa Sandiganbayan sa Huwebes, Oktubre 22.

Nabatid na hindi na kailangang humarap sa witness stand ang huling dalawa nitong testigo dahil sa mga napagkasunduang stipulations o pagkilala ng magkabilang panig sa ilang katotohanan at dokumento. Isa sa mga ito si Atty. Cecil F. Federizo, ang notary public na nagnotaryo sa mga deed of donation na sentro ng kaso.

Iginiit ni Atty. David Michael O. Gabriel, aboga­do ni Marcoleta, na hindi maaaring basta piliting tumestigo si Federizo dahil sa attorney-client privilege na nakapaloob sa Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA).

Ayon kay Gabriel,­ kapwa kinilala ng prosekusyon at depensa ang tunay, pirma at authenticity ng mga deed of donation.

Binigyang-diin naman ni Justice Ronald B. Moreno na walang nakasaad sa Information o pormal na sakdal na walang bisa o may depekto ang mga deed of donation.

Aniya, hindi maaaring basta kuwestiyunin ng prosekusyon ang bisa ng mga dokumento sa kalagitnaan ng paglilitis kung hindi naman ito bahagi ng orihinal na sakdal.

Itinuturing naman ni Justice Fritz Bryn Anthony M. Delos Santos na isang “fishing expedition” ang pagpapatawag sa testigo nang hindi pa malinaw kung anu-anong tanong ang balak iharap dito.

RODANTE MARCOLETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with