Dingdong, ‘di kinakalimutan ang workout

Nalalapit na ang pagwawakas ng The Master Cutter na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.
Para sa Kapuso Primetime King ay talagang isang magandang samahan ang nabuo sa kanilang buong grupo sa loob ng ilang buwang pagtatrabaho. “Sobrang good vibes kami sa set. Naging talagang close kami sa isa’t isa. Tapos ang sarap nilang katrabaho. Kahit gaano kahirap minsan ang ginagawa mopero dahil gusto mo ang iyong mga katrabaho ay nagiging magaan siya. Kaya ako sobrang happy ako sa The Master Cutter team. Sobrang proud ako sa kanila dahil ang gagaling nila,” nakangiting bungad ni Dingdong sa 24 Oras.
Ayon sa Kapuso actor ay siguradong kaabang-abang ang mga huling tagpo sa naturang serye. Hindi raw dapat palampasin ng mga manonood ang pagtatapos ng The Master Cutter. “May malaking sikretong malalaman si Atoy (karakter ni Dingdong). Isipin n’yo, ilang buwang itinago sa kanya ang sikreto na ‘yon. So malalaman din niya ‘yon. Maraming revelations, maraming mga kwentong matutuldukan. So abangan n’yo po ang Master Cutter last episodes,” pagbabahagi ng aktor.
Kahit abala sa trabaho ay disiplinado pa rin si Dingdong sa kanyang pangangatawan. Sa edad na 46 ay sinisikap ng aktor na makapag-workout palagi. “Kailangan medyo kahit papaano merong fitness level. It has to be way of life,” giit Kapuso Primetime King.
Glaiza, may blind item sa nakatrabahong ‘di naayos ang misunderstanding
May nakatampuhang kapwa-artista noon si Glaiza de Castro. Nakatrabaho umano ng aktres sa isang serye ang kanyang tinutukoy. “Actually, wala naman talaga akong nakaalitan, siguro misunderstanding lang. Hindi naman kami nag-confront sa isa’t isa. Siguro at that time, stressful talaga ‘yung soap, tapos drama. May mga pisikalan, mga sampalan (na eksena). So, ‘di ko rin maiiwasan paminsan na siguro may misunderstanding,” pagtatapat ni Glaiza sa Chika Cart ng GTV.
Iyon daw ang kauna-unahang pagkakataon na naranasan ng Kapuso actress na mayroong nakatampuhan sa trabaho. Isa sa mga posibleng dahilan ng hindi pagkakaunawaan ay ang mga eksenang pisikal na kanilang ginawa. “Feeling ko hindi lang, baka may mga personal matters din. Ewan ko, ayaw ko na lang din alamin dahil matagal naman na siyang nangyari. Siya lang ‘yung first ever na nagkaroon ako ng gano’ng experience,” giit niya.
Natapos ang proyekto noon ni Glaiza na hindi na nakausap ang katrabahong nakasamaan ng loob. Aminado ang aktres na nag-iwasan na lamang sila ng kanyang nakatampuhan. “Basta nag-iwasan na lang, until natapos na ‘yung soap, hindi na kami nagkausap. ‘Yon nga sana ‘yung winish ko na sana nagkausap man lang lang kami, nagkaroon man lang ng closure. Nasabi ko ‘yung mga dapat kong sabihin,” paglalahad ng Kapuso actress. — Reports from JCC
- Latest




















