Angela, muntik nang mawalan ng pag-asa!

Maraming rebelasyon ang fast-rising young star ng Viva and the other half ng tambalan nila ni Rabin Angeles na si Angela Muji nang ito’y aming makapanayam sa aming TicTALK with Aster Amoyo sa aming YouTube channel kamakailan lamang.
Marami siyang inamin na never pa niyang nasabi sa ibang mga panayam sa kanya including presscons.
Ayon sa 24-year-old young singer-actress, isa umano siyang troubled child when she was a kid, maybe sanhi ng maagang paghihiwalay ng kanyang parents nung siya’y six years old at napalayo sa kanya ang kanyang only brother na lumaki naman sa kanilang paternal aunt.
KSP o kulang sa pansin si Angela kaya ginagawa umano niya ang lahat para mapansin lamang siya. Naging sakit sa ulo umano siya ng kanyang ina pero sa kabila nito ay hindi nagbago ang pag-aalaga at pagmamahal sa kanya kahit meron na pala itong iniinda sa kanyang katawan.
Ang pakiramdam umano noon ni Angela ay walang nagmamahal sa kanya.
She was 16 when she lost her mother sa gitna ng pandemic nung November 2026. Naging malaking struggle sa kanilang pamilya ang pagkakasakit ng kanyang ina – una ito’y na-stroke at sumunod naman ang kanyang breast cancer na siyang kumitil ng kanyang buhay.
Although mabigat pa rin sa dibdib ni Angela ang maagang pagpanaw ng kanyang ina, alam niyang lumaban ito sa kanyang sakit hanggang sa huling sandali.
After 30 years sa kanilang dating rented house ay lumipat na si Angela at ang kanyang ama ng tirahan sa Fairview in Quezon City. Isa sa mga pangarap ng singer-actress ay makapagpatayo siya ng sarili nilang bahay balang araw.
Bago naging aktres si Angela ay naging miyembro siya ng tatlong all-girl group sa bakuran ng Viva – ang P-Pop Generation, P-Pop Gen at Sinta – na lahat na-disband kaya inakala niya noon na end na ng kanyang sinimulang career.
Laking gulat niya nang makatanggap siya ng tawag sa kanyang handler sa Viva na may offer umano sa kanyang mapasama sa isang serye ng Viva One bagay na ikina-excite niya kasunod na rito ang personal na tawag ng big Boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario na lilipat umano siya sa acting.
At nabago ang lahat nang siya’y mapasama sa supporting cast ng hit series ng Viva One, ang Ang Mutya ng Section E na pinagbidahan nina Ashtine Olviga at Andres Muhlach at kung saan third wheel ang ka-loveteam niya ngayon na si Rabin Angeles.
Sa kanilang second TV series ay silang dalawa na ang lead stars sa hit series na Seducing Drake Palma na nasundan ng kanilang first hit movie together, ang Philippine adaptation ng hit Korean movie na A Werewolf Boy na sinundan ng sequel ng kanilang first hit series, ang Dating Alys Perez na lahat pinamahalaan ni Crisanto Aquino under Viva Studio and streaming on Viva One platform.
Although obvious na mahal nila ang isa’t isa, consistent si Angela sa pagsasabi na hindi pa umano sila mag-boyfriend ni Rabin, bagay na ayaw naming paniwalaan.
- Latest




















