^

Police Metro

P700 milyon kada buwan, mawawala sa pamahalaan - BOC

Mer Layson - Pang-masa

Sa pagsuspinde ng excise tax sa LPG at kerosene…

MANILA, Philippines — Aabot sa higit sa P700 milyon kada buwan ang koleksiyong mawawala sa pamahalaan nang  ipag-utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang suspensiyon ng excise taxes sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosina.

“Buwan-buwan po, malaki rin po ang mawawala. Mahigit P700 million ang buwan-buwan ang maari pong mawala,” ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno.

Gayunman, sinabi ni Nepomuceno na nauunawaan nilang kailangan itong gawin dahil may krisis at kailangan ng mga mamamayan ng alalay mula sa pamahalaan.

Aniya, noong suspindihin aniya ang excise tax sa LPG at kerosina noong Abril hanggang Hulyo, 2026 ay nasa halos P3 bilyong koleksiyon ang nalugi sa pamahalaan.

Magugunita na noong Biyernes ay inisyu ni Pangulong Marcos ang ?xecutive Order No. 125 na nagsususpinde sa excise tax sa LPG at kerosina sa gitna na rin ito ng patuloy na pagtaas ng crude oil sa pandaigdigang merkado.

Tiniyak naman ni Nepomuceno na upang mabawi ang inaasahang lugi ay palalakasin nila ang kanilang assessment sa mga imported items.

Titingnan din aniya nila ang mga imported items kung saan maaari pa silang magdagdag ng kita sa pamamagitan ng mas nakatuon na paghihigpit.

LPG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with