Atasha, pinanood ni FL!

Tulad sa opening night, bonggang-bonggang ang gala night ng Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical noong Biyernes ng Gabi, Sept. 25.
Dumalo at nanood lang naman si First Lady Liza Araneta-Marcos, na kilalang isang patrona ng creative arts at tagapagtaguyod ng mga orihinal na Filipino productions and performing arts.
Kaya naman masayang-masaya ang buong cast nito lalo na nung nakikitang pumapalakpak ang Unang Ginang.
But anyway, tuloy ang panggugulat ni Atasha Muhlach sa pagganap bilang si Annie Batungbakal.
Bago nag-umpisa ang pagtatanghal ay kinuwestiyon ng mga kritiko kung ba’t nakuha ni Atasha ang papel – dahil lang daw ba siya ay anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez?
Pero hindi nagpakabog si Atasha sa mga kritiko, ginalingan niya kaya natameme ang mga ito.
Marami siyang pinahanga lalo na sa pag-awit, at naghatid siya ng isang masigla at puno ng energy na pagganap kay Annie.
Naging maayos at swabe ang kanyang pag-awit sa mga tumatak na kanta ng Hotdog noon sa entablado ngayon.
Makikita talaga ang passion at dedication niya sa nasabing palabas.
Matapos ang opening at gala night, walang makapintas sa performance niya na kilala ring walang kaartehan sa katawan habang naghahanda sa kanyang pagganap.
Bukod kay FL Liza, nanood din sa Gala Night si Stell ng SB19 at iba pang maraming celebrity.
Ang Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical ay produced ng Newport World Resorts, VIVA Communications and The Philippine STAR.
- Latest
























