^

Police Metro

Mary Jane Veloso sinundo na ng pamilya

Ludy ­Bermudo - Pang-masa
Mary Jane Veloso sinundo na ng pamilya
Mary Jane Veloso sinundo na ng pamilya Ludy ­Bermudo MANILA, Philippines — Puno ng emosyon ang pagkikita ng pamilya at mga kamag-anak sa pagsundo nila kay Mary Jane Veloso sa Correctional Institute for Women (CIW), sa Mandaluyong City, na nakalaya dahil sa absolute pardon na ipinagkaloob ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Sabado ng madaling araw. Mula Nueva Ecija sakay ng puti na coaster nang dumating ang mga kamag-anak ng Overseas Filipino Worker kabilang mga anak, inang si Celia at ama na si Caesar. Iyakan, yakapan at pagkasabik ang nakita sa pagsundo nila kay Mary Jane na nakasuot ng pu­ting ­t-shirt at pantalon, nakapusod ang buhok, na naghihintay sa gate ng CIW, kasama ang mga tauhan ng Bureau of Corrections. Hindi umano makapaniwala si Mary Jane at mga magulang na maigagawad ang absolute pardon. “’Di ako makapaniwala talaga, anak. Dito ka na sa tabi ko ngayon,” ani Celia. Narinig sa usapan ng mag-ina na a­alagaan ang isa’t isa ngayong malaya na si Mary Jane at ­nangako ang ina na ipag­luluto siya ng bituka ng manok na ihaw-ihaw. Nitong Biyernes nang ihayag ni Marcos na ni­lagdaan na niya noong Huwebes ang dokumento ng absolute pardon, na nagbigay daan sa paglaya ni Mary Jane matapos malagay sa death row sa Indonesia dahil sa kasong droga
STAR/ File

MANILA, Philippines — Puno ng emosyon ang pagkikita ng pamilya at mga kamag-anak sa pagsundo nila kay Mary Jane Veloso sa Correctional Institute for Women (CIW), sa Mandaluyong City,  na nakalaya dahil sa absolute pardon na ipinagkaloob ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Sabado ng madaling araw.

Mula Nueva Ecija sakay ng puti na coaster nang dumating ang mga kamag-anak ng Overseas Filipino Worker kabilang mga anak, inang si Celia at ama na si Caesar.

Iyakan, yakapan at pagkasabik ang nakita sa pagsundo nila kay Mary Jane na nakasuot ng pu­ting ­t-shirt at pantalon, nakapusod ang buhok, na naghihintay sa gate ng CIW, kasama ang mga tauhan ng Bureau of Corrections.

Hindi umano makapaniwala si Mary Jane at mga magulang na maigagawad ang absolute pardon.

“’Di ako makapaniwala talaga, anak. Dito ka na sa tabi ko ngayon,” ani Celia.

Narinig sa usapan ng mag-ina na a­alagaan ang isa’t isa ngayong malaya na si Mary Jane at ­nangako ang ina na ipag­luluto siya ng bituka ng manok na ihaw-ihaw.

Nitong Biyernes nang ihayag ni Marcos na ni­lagdaan na niya noong Huwebes ang dokumento ng absolute pardon, na nagbigay daan sa paglaya ni Mary Jane matapos malagay sa death row sa Indonesia dahil sa kasong droga

MARY JANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with