^

Probinsiya

Misis nagpakalat ng tsismis, inutas ng kapitbahay!

Christina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Misis nagpakalat ng tsismis, inutas ng kapitbahay!
Hindi na naisalba pa ang buhay ng biktima na nagtamo ng malalim na saksak na kinilala sa alyas “Marya,” nasa hustong gulang, residente ng Sitio Malabon, Brgy. Salawag, ng nasabing lungsod.
STAR/ File

CAVITE, Philippines  – Naging mitsa ng buhay ng isang misis ang umano’y pagkakalat ng tsismis makaraang saksakin ng kanyang kagalit na kapitbahay na lalaki, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Salawag, Dasmariñas City.

Hindi na naisalba pa ang buhay ng biktima na nagtamo ng malalim na saksak na kinilala sa alyas “Marya,” nasa hustong gulang, residente ng Sitio Malabon, Brgy. Salawag, ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente.

Lumabas ang biktima sa kanyang bahay upang bumili ng pagkain nang harangin ng kapitbahay na si alyas “Tudio”.

Agad na kinompronta umano ni Tudio ang ginang dahil sa ikinakalat umano nitong tsismis laban sa kanya, kaya nauwi ito sa kanilang mainitang pagtatalo at palitan ng hindi magagandang pananalita.

Sa matinding galit, bumunot ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima saka mabilis na tumakas.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, may dati nang alitan ang dalawa hinggil sa diumano’y pagkakalat ng “tsismis” ng biktima laban sa suspek na umano’y nakasisira sa kanyang reputasyon.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente at pinaghahanap na rin ang nasabing suspek.

BIKTIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with